Kay gandang gulo nito,
Nasugatan man, oo,
At nagkahilo-hilo
Nang magkapiling tayo.
Hango sa “A Beautiful Mess” ni Jason Mraz.
Tanagaang Ibigan ni Dino Santos.
‘Wag mo akong kulitin.
Ayoko pang umamin.
‘Di ko na sasabihin,
Pilit mo mang pigain.
Tanagaang Ibigan ni Dino Santos.
‘Di ko mapaniwala
Sarili sa tadhana.
Naniniwala lang na
Pagsisipagin kita.
Araw-araw na Tanagaang Ibigan ni Dino Santos.
Alam kong hindi na nga
Kailangang sabihin pa,
Ngunit uulitin pa:
Minamahal nga kita.